Friday, November 05, 2010

Poor Parents! Ganito ba kayo noon nung student days nio?

Dear Anak,

Naipada la ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na
namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE,
wala  na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi
mo na
project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. kasama
din  ang  7 thousand  dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak
malayo ba  yun
  mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan
natin  para mabili mo na yung instrumentong   I-POD na kinakailangan
mo sa  laboratory nyo. Anak komportable ka ba dyan sa boarding house
mo,  saan ba
kamo yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit dyan. Anak
kamusta  na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo
na ba?
mataas ba  nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka
gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana
pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng
kumpanya  para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay
cya nga pala  anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD  ka palagi
kumakain ok ba
naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh
yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag
dri-drive. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sa
yo
ang  pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal,

Itang at Inang

P.S. Anak mag aral kang mabuti. Ingatan mo katawan mo.   Huwag ka muna
mag-aasawa. Ikaw lang ang pag-asa namin para mahango tayo s kahirapan.

Posted via email from Everyday little thoughts, whatever comes to my mind!

Post a Comment
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...