Friday, May 04, 2007

Transcript, part 1: Isang Tanong, April 29, 2007 episode... thanks to GMANEWS.tv




Transcript, part 1: Isang Tanong, April 29, 2007 episode


MIKE ENRIQUEZ: At ngayon ating iimbitahin na si Dr Martin Bautista para magpunta na dito sa hot seat para sagutin nya ang itatanong ng Kapuso nating si Mel Tiangco.

VTR INTERVIEW: DR BAUTISTA: Madalas po akong umiyak ’pag nakakakita ako ng malungkot at naiiyak na ako. At hindi po akong nahihiyang umiyak. Masarap din ang pakiramdam ng umiiyak paminsan minsan. Hindi naman po nakakahiyang umiyak eh.

MIKE: Sina Congressman Escudero naman at Congressman Zubiri, aanyahan ko pong pumasok sataing sound proof cubicle. Sila po ay magkakabit ng headset kung tawagin. Parang siguradong siguradong na hindi po nila na maririnig ang tanong. At hindi po rin nila maririnig ang sagot. Kaya Mel...


MEL: Salamat Mike. Ang aking isang tanong: Mas maganda po kayang gamitin ang pork barrel sa isang impact project no ng gobyerno, imbes na paghati hatian ng mga kongresista. Tulad ng nangyayari ngayon.

DR BAUTISTA: Kung maaari lamang po ngayon, kung magkakaroon po tayo ng countrywide assistance fund at mailalagay ko yung isang buong cheke sa pgh o sa up, o sa gawad kalinga, gagawin ko po yun. pero sa under the current setup hindi po natin magagawa yun. napakaraming pagkakataon upang makagawa ng katiwalian sa current setup. Sa aking palagay eh mas mahusay na tanggalin na natin itong tinatawag na pork barrel dahil nga mas nakakasama sa atin, we have to decrease the opportunities for our politicians to steal. We have to decrease the opportunities for our politicians to become dishonest. And in such a set up I don’t think it is still time for us to be able to be presented with an opportunity like this in a corrupt system and behave in a manner that will show integrity and honesty.

MEL: So ayaw nyo ng pork barrel. Dr. Bautista si Mr Pabico po, Alex ay meron din pong tanong sa inyo.


ALEX: Ano ang posisyon nyo sa panukalang batas na nais paluwagin ang pagaangkat ng mura at abot kayang gamot, gayong ang kapatid nyo ay isang abogado ng isang malaking pharmaceutical na kumpanya sa bansa na tutol sa batas na to?

DR BAUTISTA: ‘Yun pong kasing pagiimport ng gamot po halimbawa in India is not the answer to the problem. Ang pinaka-importante po kasi is we have to identify yung nga gamot na kinakailangan ng ating mga pasyente dito sa pilipinas. At sarili nating gawin sa atin halimbawa po sa high blood pressure. Ang ating inaangkat po sa ibang bayan ang tawag po ay.... Magagawa naman po natin ang hydro... dito sa Pilipinas. Ginagawa natin ito since 1950. Ang ... po sa India 40 pesos, kung gagawin po natin ang hydro.... Ang kahalagahan po nyan dito sa ating bayan ay dyes sentimos. Na ang kinakailangan po ay magkaroon po tayo ng pananampalataya sa kakayahan natin na gumawa ng sarili nating gamot. ’Wag na po tayong aasa sa import. ’Yun po ang nangyayari sa atin wala na tayo na ginagawa na produkto. Lahat pong ginagamit natin ay either ini-import natin o inuutang natin. Kinakailangan na mag-umpisa na po tayo

MEL: Marami pong salamat, Mr Bautista

DR: Salamat po

MEL: Thank you very much

MEL: At ngayon po ay nais kong tawagin si Mr Miguel Zubiri

VTR Interview: ZUBIRI: (singing) Basta tayo magkasama lalong may umaga kay ganda. Parang pinapalabas na magsama sama po tayo itigil na yung gulo, itigil na yung away

MEL: Mr Zubiri

ZUBIRI: Hello ma’am, good to see you

MEL: Ang tanong ko po ay ganito, ang aking isang tanong ay natutuon sa countrywide development fund kung tawagin ng ating mga kongresista, pork barrel naman kung tawagin ng ating mga kababayan. Sa tingin po ba ninyo ay mas magiging kapakipakinabang sa sambayan ang countrywide development fund kung ito ay gagamitin sa isang impact project, imbes na paghati-hatiin sa mga kongresista?

ZUBIRI: Lumabas na po ako sa isang debate sa Philippine Chamber of Commerce, at sinabi ko po na payag ako na walang pork barrel fund ng mga kongresista at mga senador. Kung sana ay ilagay po to 3rd, 4th, 4th, 6th class municipalities. Ito pong mga munisipyo na to na napakababa ng kanilang IRA.ito po ay kanilang mga barangay na 500 thousand pesos po a year ang kanilang IRA. 20% development fund po nila dyan ay 100 thousand. Pano po nila maaayos yung farm to market roads nila. Paano po maaayos yung kanilang water system. Marami pa po sa Visayas at Mindanao wala pa pong kuryente. Wala pa pong tubig, hindi pa po nabibigyan ng farm to market roads. Naglalakad pa yung mga tao papunta sa mga barangay. Minsan anim na oras, minsan dalawang araw. Kaya payag po ako na mawawala yan. Pero sana po madagdag yung kanilang 20 % development fund itong mga 4th, 5th, 6th class municipalities na alam po natin na hindi kaya sa kanilang mga budgets ang pagbigay ng itong mga infrastructure programs na ito. at alam nyo po dapat may transparency po dito. Dapat makita, meron po akong nagawang report card. 220 pages. Barangay to barangay projects. Nakalagay doon lahat ng litrato nang ating mga projects at magkano po yung halaga. Para makita po ng sambayang pilipino na dumerecho doon sa mga barangay at walang hati, walang sop, walang bawas at nagamit sa tama at wastong paraan. Yan ang importante pero payag po ako na wala na ang pork barrel.

MEL: Salamat po, Mr Zubiri. Si Mr Conrado de Quiros ay meron pong katanungan sa inyo. You are quoted upon saying at one point, you intend to spend much less the 120 million seal at 3 pesos per voter, as set by the Commission on Elections. And on the same paper na sa ulat ng GMA News, isa ka sa top spenders sa election campaign ayun sa research na ginawa ng Nielsen. Ang tanong ko, ’pag ikaw ay nanalo bilang senador, paano babawiin ang ganitong kalaking gastos? Or are you running just for the privilege of serving the people?

ZUBIRI: Well, yan po ang unfortunate system. Ang sistema po natin ay medyo malabo dahil kung gusto nyo pong manalong senador kailangan maging popular po kayo. Alam nyo po tama yung sinabi nyo na im top ten of the spenders pero number 10 po ako.ako po yung pinakamababa sa top 10. At lumalabas lang na 40 million ang nilabas ko para sa commercial sa ibat ibang stations. At kailangan po natin gawin yun para makilala po tayo ng tao ang aking programa at plano para sa bayan. Kung hindi ko po gagawin yan, hindi di po nila makikilala si migs zubiri. At pasok na pasok pa rin ako sa 120 million, 40 million nga lang po ang nagagastos ko so far. At talagang nakikita nyo naman na hindi po kasing dami po ang aking commercials. Katulad ng ibat iba nating mga kasamahan, sana yung sistema, kung regional na lang po yung senatorial set up. Hindi ganun kalaki ang gastos po ng isang senador na tatakbo sa region 10 katulad ko. galing po ako ng region 10 ng Mindanao. Kesa ngayon po na nationwide. Para po kami na presidential campaign na napakahirap at napakamahal.

MEL: Marami pong salamat, Mr Zubiri. Ngayon naman po ay tatawagin ko si Mr Chiz Escudero para siya naman ang umupo dyan sa kinauupuan nyo. Marami pong salamat.

VTR Interview: CHIZ: Nasa aking libro, dinner with a perfect stranger –- ito ay tungkol sa hapunan na kasama si Hesus. At maganda na matanong at makausap siya tungkol sa maraming bagay na siguro ay bumabagabag sa isip natin. So siya ang siguro gustong mabigyan ng pagkakataon na makausap.

MEL: Ang isang tanong ko po ay ganito: kayo po ba’y naaayon na tanggalin ang countrywide development fund o ang pork barrel, at ito ay ilagay na lang sa proyekto na magkakaroon ng malaking impact sa mga Pilipino.

CHIZ: Dalawang taon na akong walang pork barrel dahil nasa oposisyon ako. Bali wala na ho kung tangalin nila o hindi. Ang mahalaga lamang line item budgeting para sa lahat ng pondong infrastraktura para sa ating mga kababayan. ke tanggalin yan o hindi para sa akin transparency at accountability. Basta meron yan ke andyan o wala makakarating yan sigurado sa ating mga kababayan sa makabuluhang at kinakailangan na paraan.

MEL: May tanong po si Malou Mangahas para po sa inyo

MALOU: Namuno kang masigasig sa mga impechment complaint laban kay Pangulong Gloria at dating chief justice hilario davide. Pero halos hindi ganun kasigla o matamlay ang iyong pagtrato sa mga akusasyong katiwalian ni Pangulong Erap at ni Danding Cojuangco, kapwa political patron mo. Ang Nationalist People’s Coalition party mo, kalahati ay panig kay Pangulong Gloria. kalahati panig kay Pangulong Erap. Tunay bang opposition kayong matuturing kung pusta kayo kahit sino ang manalo?

CHIZ: Siguro naman napakita at napatunayan ko at nagawa ko na rin ang mga bagay bagay para ipakita at patunayan na ang habol namin ay hindi personal laban sa kahit sinong kandidato. Kay Pangulong Arroyo man, kay dating Pangulong Estrada o kung sino pa man. Accountability at pananagutan sa opisina ang aming pinaglalaban at sinusulong. At ito ang nais po naman sana ipakita at mapatunayan. Walang sinuman ang pwedeng magsabi at magdikta sa akin kung ano ang gagawin, kung hindi ho ako sang ayon. Kung tunay nga po silang sumusuporta at naniniwala, dapat lamang pandigan nila ang aking paninindigan. Dahil ito ang panawagan ng sambayanan.

MEL: Narinig nyo po ang sagot ng una nating ng kandidato sa ating isang tanong. Pero hindi po dyan nagtatapos mga Kapuso dahil ang susunod na katanungan na kanilang sasagutin ay manggagaling mismo sa kaniklang kapwa kandidato. Di ba Mike?

MIKE: Tama ka dyan Mel. Dahil narito po ang isang ballot box mga Kapuso. at sa loob po ng mga ballot box na to ay mga tanong na mga sumulat ay mismong mga senatoriable mga Kapuso. hindi na po tayo magpapaliguy-ligoy. At narito na po si Dr Bautista para sa unang tanong mula rito sa ballot box. Doktor...

DR. BAUTISTA: Dito po ba?

MIKE: Narito po ang unang tanong na nanggaling kay Nikki Coseteng. Dr, should OFW remittances be given better exchange rate? Di ba dapat mas maganda ang halaga ng piso sa halaga ng dolyar sa mga remittance ng mga OFW? Kasi ngayon ang rate po ng palitan ng piso sa dolyar ng ofw ay kaparehas lang ng rate ng iba pa. Doktor?

DR. BAUTISTA: Makasasama pa nga ho yun kung bibigyan natin sila ng magandang rate pero mas mahalaga po kasi kinakailangan ang priorities ng pamahalaan natin. We have to straighten it out, we have to continue to invest in education and in health. To make our overseas workers more competitive in a global economy. Ang nangyayari katulad ko po manggagamot na galing sa pgh napilitan na pumunta sa ibang bayan dahil wala naman pong kinabukasan dito sa atin. Nung pong 1989, nung pagbalik ko po dito 2006, mas lalong pa pong sumama ang ating bayan. Kinakailangan po na we have to make painful choices today. Umpisahan na po natin yun, magsama sama na po tayo to make investments in education and health care. One percent lang ang nilalagay natin in health care, 11% in education, 28% sa pagbayad ng utang natin. Interest pa lang ho ng utang yun. We have to make painful choices, we have to be together here.

MIKE: Marami pong salamat Dr Bautista. At susunod po na kukuha ng tanong po dito sa ballot box ay si kandidatong Miguel Zubiri, congressman. Ang tanong po na sasagutin nyo ay gawa po ni Atty Adrian sison ng partidong Kapatiran. Paliwanag nyo nga po ang inyong plataporma tungkol sa poverty alleviation, congressman

ZUBIRI: ’Yung poverty alleviation, alam mo galing ako sa Mindanao at nakikita po natin ang kahirapan po ng tao mga dyan, ng ating mga kababayan dyan. At isa po dyan ay kailangan ay bigyan po natin sila ng sapat na trabaho. Nakita ko na po yan sa Maguindanao nung nangyari na kung saan si Coco Paglas ng Maguindanao ay nagdala po ng napakagandang industriya ng export ng bananas sun sa kanilang mga ksaamahan kaya dahil dun ay nagkaron po ng tigil putukan sa Maguindanao at napakarami almost 11,000 jobs ang nabigyan po ni Coco Paglas dun sa area niya at yan din po ang dapat gawin natin sa iba’t-ibang areas sa ating bansa. Dapat magkakaroon po tayo ng job generation kung saan bibigyan po natin sila ng sapat na pagkakataon na buhayin muli ang kanilang pamilya at lalong umunlad ang ating bansa especially the rural areas nandun po yung biofuels, biofuels program pwede po tayong magtanim ng jatropa ng ethanol production, cassava, mais, ah tubo na gagamitin ni... meron na po tayong batas at ihahalo sa ating gasoline. These are…

MIKE: Time na po. Marami pong salamat, Congressman Zubiri. Ang susunod pong kukuha po ng tanong ay isang kapwa mambabatas ni Congressman Zubiri, kandidato sa pagkasenador, Chiz Escudero.

Ang tanong po na nakuha ninyo ay galing po kay Mike Zubiri, Kongresista. Sigurado ba kayong di kayo nag-usap?

CHIZ: Opo

MIKE: Ano po ang mako-contribute daw ninyo sa senado, Congressman?

CHIZ: Klaro po sa aking paglilibot, ang problema ng ating mga kababayan, apat at yan ang dapat na ikino-contribute ng sinumang tumatakbo sa pagkasenador. Una, dapat ang boses at botong dalhin ninuman sa senado ay boses at boto ng kababayan natin. Hindi boses at boto lamang ng Malacanang, ng partido mo, kamag-anak, kaibigan o kakilala. Pangalawa, dapat pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng trabaho sa kinaroroonan ng kababayan natin at hindi sa ibang lugar o sa ibang bansa. Pangatlo, paano ba natin mapapababa o kung hindi man, maiiwasan tumaas ang presyo ng bilihin. At panghuli, papano ba natin matitiyak na sapat ang kita o sweldo ng ating mga kababayan. Bilang senador, yang tatlong yan ang aking nanaising gawin at makamit bilang paninilbihan sa ating mga kababayan doon sa mataas na kapulungan.

MIKE: Maraming pong salamat, Congressman Escudero. Mga Kapuso, nagpapasalamat po kami sa unang tatlong kandidato natin ngayong gabi, si Doctor Martin Bautista, Si Congressman Mike Zubiri, at Congressman Chiz Escudero… Migs Zubiri, I’m sorry po, Migs Zubiri, ah mga Kapuso, ‘wag po kayong aalis diyan lang po kayo magpapatuloy ang espesyal na pagtatanghal ng GMA News and Public Affairs. Ito ang Isang Tanong, the senatorial forum.


MIKE: Ngayon naman, isang tanong mula kay Jessica Soho at kasama niyang magtatanong SINA Marites Vitug ng Newsbreak, Si Arnold Clavio at Mel Tiangco ng GMA news and Public affairs at ang sasagot ang ikalawang grupo ng mga kandidato sa pagkasenador. Si dating sundalo Philippine Military Class Academy o PMA Class of 1995. Nakilala bilang miyembro ng grupong Magdalo. Mula sa Fort Bonifacio, mapapakinggan at mapapanood niyo po si Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes. At kasama din po natin si dating senadora at TV host mula sa Genuine Opposition, si Nikki Coseteng. Labing walong taon pong naging senador at re-electionist na senator, mula naman sa Team Unity, si Senador Edgardo “Ed" Angara.

Ang una pong sasagot sa isang tanong mula sa Fort Bonifacio, si Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes the fourth. Pero bago po yan, aanyayahan ko po muna si Madam Nikki Coseteng at Senador Angara na tumayo at pumasok dito sa ating soundproof na cubicle.

VTR interview: TRILLANES: Ang hindi po alam sa akin ng maraming tao ay hindi po ako palaging seryoso, may lighter side din po ako. Mahilig po akong magluto, ang specialty ko eh caldereta, mechado, adobo.

MIKE: Sa puntong ito, ang mangunguna po sa pagtatanong walang iba kundi ang ating Kapuso na si Jessica Soho. Jessica.

JESSICA: Lieutenant Senior Grade Trillanes, Isang Tanong: Kung kayo po ay mananalo, ano ang babaguhin nyo sa kasalukuyan nating senado?

TRILLANES: Ang babaguhin ko po sa senado kung sakali po na ako ay papalarin ay itong paggawa po ng batas na sistema nila na hindi po nadadaan sa policy research dahil galing po na bilang isang policy analyst by education, ang ginagawa po sa bawat problema ay dapat po na idinadaan sa policy research para po makikita natin ang pinakamagandang solusyon sa bawat problema. That way hindi po, hindi po tayo magkakaron ng mga batas na nailalagay po sa alanganin ang taong bayan.

JESSICA SOHO: Isang Tanong naman po mula kay Arnold Clavio.

ARNOLD: Captain Trillanes, si Senator Gringo Honasan ay nagsorry sa kaniyang pangunguna sa kudeta noong Aquino administration. Ikaw ba’y sa naganap na papel mo no sa Oakwood mutiny sa naging paglabag mo sa batas noon, ikaw ba’y magso-sorry?

TRILLANES: Hindi po

ARNOLD: Bakit po?

TRILLANES: Dahil ah yun pong ginawa po namin nung Oakwood ay isang obligasyon at katungkulan bilang sundalo, bilang Kristyano at bilang Pilipino. Wala pong dapat pagsisihan don at dapat po matuto po tayo lahat dun sa nangyari po na yon. At ah ilang taon po ang naganap, ang lumipas. At makikita po naman natin na wala pa rin hong pagbabago

JESSICA: Maraming salamat kay Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes mula sa Fort Bonifacio, at ganon din sa ating kaibigan na si Arnold Clavio. Ngayon po naman ang tatawagin natin ay ang ating senatorial candidate, Nikki Coseteng

VTR Interview: NIKKI: Hindi ako dapat mainggit sa kahit kanino, dahil yung inggit diyan nag-uumpisa yung pagnanakaw dahil mas gusto mo yung hindi mo kaya. At tandaan lagi na maraming tao na magkakaroon ng mas maraming bagay kaysa sayo.

JESSICA: Madam Coseteng, isang tanong lang po. Kung kayo po ay mananalo, ano po ang babaguhin niyo sa ating kasalukuyang senado?

NIKKI: Ahm, ang gusto po nating mangyari ay yung senado maging independyente. Na hindi po lamang kumikiling dun sa kagustuhan ng administrasyon at hindi rin yung simple lamang na nago-oppose no. Tagahawak lamang at maging balakid lamang sa kaunlaran. Ang gusto natin magkaron din ng sapat na kaalaman ang taong bayan sa pamamagitan namin na hindi lamang legislation kundi pati advocacy kasama. Ahm, yung sinasabi nating pagbabago siguro dapat ding makita na ang pamahalaan ay dapat meron nang kontribusyon dun sa paghahalal ng senado sa kampanya. Na ang gobyerno ay dapat na may nakalaang salapi nang sa gayon hindi kaniya-kaniyang ahm labas ng pera dahil sa nakita natin napakamahal masyado ng eleksyon na halos napakahirap kung hindi nyo babawiin yung inyong ginastos kaya naging isang advocacy natin yan na kailangan ahm bagamat we’re allowed to spend hundreds of millions hindi necessarily na gagawin mo yon dahil pinapayagan kayo ng batas no? So this is one of the things that the senate, the candidates for senators siguro kailangan meron ding general fund o merong equal na nanggagaling sa pamahalaan nang sa ganon hindi kailangan na napakalaki ng ginagastos ng indibidwal no. Ang isa pang bagay na yan, ang isa pang bagay ay kailangan yung mga issues na aming tinatalakay ay ma…

JESSICA: Isang tanong naman po mula kay Maritess Vitug ng Newsbreak, Marites.

MARITES: Magandang gabi ho. Mabilis ang paglaki ng ating populasyon. Mga 88 million na ngayon mula nang 77 million sa year 2000 at nawawala na ang mga libreng contraceptives na ibinibigay ng US AID next year. Ipaglalaban nyo ho ba na magbigay ang Department of Health ng line budget para sa mga contraceptives dahil natural family planning lamang ang ini-endorso ng Arroyo administration?

NIKKI: Napatunayan po na ang natural family planning ay isang bagay na hindi talaga natural para sa tao. At ah, kung tutuusin po natin yung laki ng populasyon, nandon ang nagbibigay ng napakatinding ahm mga iba pang problema sa lipunan at sa kapaligiran. At yung naniniwala na magmula sa murang edad pa lamang sa elementary hanggang high school dapat magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ating katawan, tungkol sa sex education. Hindi kailangan itong maging negatibo dahil ngayon ang mga bata nage-eksperimento dahil wala silang pinagkukunan ng impormasyon. Yung sinasabi nyong contraceptives, safe and modern methods of contraception, must be made available dahil ang estado ay may karapatan at may responsibilidad na pangalagaan ang ah kaayusan ng pamumuhay dito sa ating bansa. Yun responsible parenthood, pino-promote po yan pero kasama dyan dapat alam din ng mga magulang kung anong mga operatiba na ligtas…

JESSICA: Marami pong salamat kay Madam Nikki Coseteng. Tawagin naman natin mula sa ating sound proof booth si Senator Ed Angara.

VTR Interview: ANGARA: Si President Manuel L. Quezon, sapagkat ang sabi nga nyan nung siya’y nabubuhay at siya’y pangulo ng Pilipinas mas gusto raw niya na ang Pilipinas ay pinapalakad ng mga Pilipino kahit na palakad ay parang hell kaysa sa isang Pilipinas na ang nagpapatakbo ay mga Amerikano.

JESSICA: Senator Angara, isang tanong lang po. Medyo matagal-tagal na rin ho kayong senador at by now you fairly have a good idea what’s wrong and what’s right with the Senate. So ang tanong ko po sa inyo: kung kayo po ay mananalo muli ano po ang sa palagay nyo eh dapat baguhin sa kasalukuyan nating senado?
ANGARA: Unang-una yung committee work. Ang buhay ng isang legislative body ay nasa trabaho ng mga committee at kung mga committee chairman ay hindi marunong mag-preside, hindi marunong magpalakad ng agenda, wala ring papasok sa plenary kaya wala ring output ang plenary. Isa yan, number one yan. Pangalawa, kailangan piliin natin ang kung sino ang mamumuno ng senado, kung sino ang majority leader, si majority leader ang nagde-decide ng kung anong ah tatalakayin at yung minority leaders sapagkat kung yung minority leader ay very narrow-minded at walang broad view of public affairs mabagal din ang trabaho ng senado. So directly, committee chairman, the three top heads of the Senate kailangang nakakaintindi ng pagpapalakad ng senado at aware of the critical public, public policy issues

JESSICA: Isang tanong naman po mula kay Mel Tiangco.

MEL: Ang akin pong tanong sa inyo Mr. Angara ay natutuon sa political dynasty sapagkat kapansin-pansin po talaga na napakarami nang mgakakamag-anak ano ha, at kung hindi ako nagkakamali meron din kayong kapatid at anak na parehong nasa pulitika. Ito po ba ay nakabubuti o nakasasama sa kalakaran ng pulitika sa ating bansa?

ANGARA: Siguro po dun sa Aurora, applied to Aurora Province, maliit po lang kaming probinsya, yung kapatid ko po na babae siya ang gobernadora. At yung anak kong lalaki ang siyang kinatawan. Siguro po isang ah, isang signal na katanggap-tanggap ang kanilang panunungkulan wala silang kalaban ngayon, at yun po ang anak ko naman ay graduate ng UP, graduate ng London School of Economics at graduate ng Harvard. At yung aking kapatid na babae ay number two salutatorian sa UP College of Law. Kaya mataas po ang kanilang kwalipikasyon at siguro makikita ng aming mga kababayan sa Aurora na sila ay katanggap-tanggap at dapat wag mahinto ang mga proyekto na ginagawa nila. But in general po, palagay ko ay walang masama sa inter-relationship sa pulitika kung ang mga mae-elect na kinatawan ng pamilya ay may ginagawa at may kakayahan. Ang masama ho kahit walang….

JESSICA: Marami pong salamat Senator Ed Angara, Mike.

MIKE: Maraming salamat Jessica, at sa puntong ito mga Kapuso, sasagot pa rin po sa isang tanong ang mga kandidato natin sa grupong ito. Ang uunahin po natin ay si Lieutenant Trillanes, sapagkat siya po ay nasa Fort Bonifacio, ang kukuha po ng tanong mula dito sa ballot box ang atin pong aanyayahan dito ang kaniyang abogado na si Atty. Sonny Rivera na kasama po natin ngayong gabi sa Isang Tanong ang senatorial forum po ng GMA News and Public Affairs. Attorney, pakibunot lang po o kuha yung tanong na sasagutin ni Lieutenant Trillanes. Salamat po attorney. Ang tanong na sasagutin ni Lieutenant Trillanes ay tanong po ni Ginoong Ruben Enciso. At narito po ang tanong.


Ano ang balak na gawin ninyo para mapaunlad ang Pilipinas, Lieutenant Trillanes?

TRILLANES: Ang gagawin ko po upang umunlad po ang Pilipinas ay tatanggalin po ang korupsyon sa gobyerno dahil po sa ngayon marami pong nawawala sa kaban ng bayan na aabot po siguro ng 400 billion pesos. Kung maibabalik po natin ito sa kaban ng bayan, marami pong proyekto ang magagawa nito. Baka pag ah mailulunsad po natin industrialization, rural development, agriculturalmodernization, poverty alleviation programs, mass housing, infrastructure projects and so on and so forth. Pero lahat po yan ay naka, ay ang, all of these things are contingent to the removal of GMA dahil hindi po talaga tayo uunlad at uusad habang nakaupo po si GMA.

MIKE: Ang susunod pong kukuha ng tanong sa ating ballot box ay walang iba kundi si Madam at dating senadora Nikki Coseteng.

Ang tanong na sasagutin po ni Madam Nikki coseteng ay tanong mula kay chiz escudero. Papano nyo po babawasan ang buwis ng mahihirap para madagdagan ang tinatawag na spending capacity mam?

NIKKI: alam po natin na yung evat na pinaiiral ngayon ay isang pantay pantay na buwis na binabayaran ng mahirap at mayaman. Hindi po makatarungan jan ay pwedeng baguhin ang batas para mawala po yan. Yung pinaplano nilang batas para sa text messaging, padagdag na naman ng mahirap yan dahil ang magkakaganito nig mga ganitong uri ng direct tax ay yung mahihirap. At alam natin na mas tanggap. Mas makatarungan yung tax according to income kesa yung consumption. Maari sa ibang bansa ay pwede dahil lahat sila ay may trabaho. Lahat sila ay kumikita ng sapat. Eh dito sila sa atin, hindi ganun. Kaya hindi po makatarungan ang batas kung hindi pantay pantay dahil ang ating lipunan siyento porsyento lang ang nasa taas, at karamihan yung nobenta porsyento ay nasa baba

MIKE: Maraming pong salamat madam at senatoriable Nikki Coseteng. At ang susunod naman po na kukuha ng tanong sa ballot box at sasagot ay si senador Edgardo Angara. Senador. Ang inyo pong napiling tanong o nakuhang tanong ay galing po kay senatoriable noynoy aquino. At ito po ang tanong nya. Pwede daw po kayong mag comment. Can you comment on the state of democracy in the country today, senador?

ANGARA: Struggling po. hindi po matatawag na demokrasya sapagkat nakikita po natin dito lang sa halimbawa ng election. Ang election po natin ay palagay ko ay hindi patas. Maraming lugar na hindi nating maaasahan na magiging malinis ang election. Ang pagpili po ng kandidato ay palagay ko ay hindi demokratiko. At marami po tayong dapat.... Ang mga independent institution ang nagpapalakas sa demokrasya katulad ng media. Katulad ng NGO, ng civil society. Hindi pa po sila malakas. At kaya yan po ang dahilan kaya ang ating demokrasya ay already the oldest democracy in asia ay hindi pa rin stable at democratic.

MIKE: Marami pong salamat senador Angara. Sa pagpapatuloy ng isang tanong, the senatorial forum. Dito lang sa GMA. Wag po kayong aalis mga Kapuso!

Teaser (susunod…)

VITUG: Ah impressive po ang biodata nyo. Kaya lang ho mukhang maraming mahirap na paniwalian. Nung 18 years old, personal aid kayo ng Russian ambassador na naka destino sa America. Habang kayo ay nagaaral sa Philippine Christian University sa manila. Pano ho naman nangyari yun?

MIKE: Mga Kapuso ang susunod po nating mga kandidato ay ang anak ng bayaning si Ninoy at anak ng dating Pangulong Aquino. Siyam na taong kinatawan ng lalawigan ng Tarlac. Si Ginoong Benigno Noynoy Aquino III. May kasama po tayong isang negosyante. Mula sa Philippine Green Republican Party si Ginoong Felix Cantal. Meron din po tayong isang negosyante at musikero. Dati din pong mamahayag si Ginoong Bobby Enciso. At ang una pong uupo sa ating hot seat si Congressman Noynoy Aquino muna.

VTR Interview: NOYNOY: si Nelson Mandela ang gusto kong makausap. 27 years kinulong, pag-alis ang daming pang-aapi ang inabot nya. Pero pagkatapos nun, puro kabaitan at kabutihan ang lumalabas sa kanyang bunganga. Pati doon sa mga nag-aapi sa kanya...

ARNOLD: Ginoong Aquino ito po ang aming tanong: Naging makulimlim po ang Pilipinas ng lumutang ang ‘Hello, Garci.’ Sakali kayo ho ay manalo, dapat ho bang ipagpatuloy ang imbestigasyon o dapat ho kalimutan na natin yan?

NOYNOY: Dapat ho imbestigahan natin tuloy yan. Yung buong issue nun ng wire tapping. Kasi yung batas sa kasuluyan po ay yung 1950’s pa po. Outdated na po yung technology na yung binabanggit jan. at saka yung batas na honored more in the bridges that in the observants. Parati bina-violate kesa sinusunod. Kailangan na dagdagan ng penalties sa ho dyan.

ARNOLD: At sa ngayon po ay tatawagin ko po yung partner kong si Vicky Morales. Meron po syang tanong. Vicky?

VICKY: Good evening po Ginoong Aquino,

NOYNOY: Good evening

VICKY: kung saka sakali pong manalo po kayo ano po ang dapat nyong gawin sa pork barrel nyo?
NOYNOY: Yung sa pork barrel ko, mae ensure natin, isa sa advocacy ko ang yung line item budgeting. Sa line item budgeting masisigurado nating may equity sa pilipinas. Pwede ng kalimutan ang pork barrel. Pero katulad noong kanina sa kongreso. Meron ng priority projects, impact projects, mega projects. Kadalasan po sa amin sa tarlac sa isang SONA ng pangulong arroyo nabangit yung subic tarlac road. Alam mo yung subic tarlac road. Pero baka naman fraud ho yun. Basta sigurado bawat lugar merong hong sufficient share. At tayo naman ay handa na pong ipamigay yung mga pork barrel

ARNOLD: Ok maraming salamat po Ginoong Aquino. Tawagin naman natin ngayon si Ginoong Felix Cantal ng Philippine Green Republican Party

VTR Interview: CANTAL: Dati isa akong loner. Although lumalabas ako sa entablado as comedian. Pero mas lalo akong ma-drama

ARNOLD: ito po yung tanong na tinanong namin kay Congressman Noynoy Aquino. Yung Hello Garci controversy po natin sakaling palarin po kayo sa senado kailangan po natin pag patuloy ang imbestigasyon o kalimutan na lang po natin yun.

CANTAL: Siguro sa akin sa panahong ito kung pagtutuunan natin ng pansin, kung magiging culprit noon. Syempre wala naman tayong mapapala, hindi natin maano sa bayan. So gamitin na lang natin ang ating sentido kumon kung makikita natin sa magiging kaganapan ng taumbayan. At tanggapin na lang natin, wala na yun. natapos na yun. sana wag ng mangyari kung meron man ganun. Kung meron man dayaan. Ok.

ARNOLD: Mmeron pong dagdag na tanong si Marites Vitug po.

MARITES: Ah impressive po ang biodata nyo. Kaya lang ho mukhang maraming mahirap na paniwalian. Pinanganak kayo 1949. pero nung 14 years old tatlo na ho ang trabaho nyo. Myembro ng manila police, announcer at advertising editor ng manila bulletin. Tapos ho nung 18 years old kayo personal aid kayo ng Russian ambassador na naka destino sa America. Habang kayo ay nag-aaral sa Philippine christianu university sa manila. Pano ho naman nangyari yun? Nasa America kayo at nasa Pilipinas kayo? Paki explika po

CANTAL: Totoo po yan. Nung ako po ay nasa kwan, nung ako ay nasa manila bulletin ako po ay naipakilalang general… na Russian ambassador. So naging ano po ako ng Russian ambassador. Sya po ang naging daan para po ay makapunta ng united nations. Nung po ang aking mga kaganapan doon sa Uunited Nations dito naman ako namirmihan pag meron mahalaga sa aking assignment ako ay nabalik din sa Boston sa New York. Yun po ang nangyayari kaya yun po ang pagkaka doble nung ako ay nasa manila police. Kasama din po ng aking ... Dahil halos magkasabay po kami. nagtinda po ako ng kaldero sa Quiapo. Doon po ako na recruit na artista. Tapos napasok din ako sa police. Tapos doon din po ako naging announcer. kaya nahati hati

ARNOLD: Maraming salamat po Ginoong Cantal. Samantala tatawagin na po natin si Ginoong Ruben Enciso ng KBL.

VTR Interview: ENCISO: Kung bibigyan ng pagkakataon na ipalit ang buhay ko at bakit. Palagay ko ay ipagpapalit ko sa asawa ko. At dahil mahal na mahal ko po sya

ARNOLD: Ang tanong po namin, isang tanong po namin sa inyo Ginoong Enciso: ‘Yung Hello Garci na kontrobersiya. Pag kayo ho ba ay nanalong senador, ipagpapatuloy nyo pa ba yung imbestigasyon o tatapusin na natin, kalimutan na natin yan?

ENCISO: I think dapat hong ipatuloy dahil meron po tayong tinatawag na due process so bigyan po natin siya ng pagkakataon na mai-prove nya sa ating madlang tao na siya po ay hindi guilty.

ARNOLD: Okay, may dagdag pong tanong ang ating kasama sa GMA News and Public Affairs si Miss Jessica Soho.

JESSICA: Ginoong Enciso, mabigat po itong laban sa senado ang dami hong kandidato ang iboboto lang hong kailangan eh dose lang ho, ah didiretsuhin ko na ho kayo ano ho? Sa palagay nyo ho ba ay may tsansa kayong manalo?

ENCISO: Napakalaki po ng tsansa na manalo ang KBL pagkat ang KBL po ay mayrong built-in na voters na ten million po. Meron po akong kasama na merong six million at pitong guardians at meron po kaming kasama sa Muslim na two millions na mga Muslims sa MILF po, so malaki po ang tsansa naming manalo

ARNOLD: Maraming salamat po kay Ginoong Aquino, Cantal at Enciso. Narinig nyo po yung kanilang opinyon ukol sa issue ng Hello Garci at pano naman kaya nila sasaguting ang mga katanungan na galing mismo sa kanila pong mga kapwa kandidato, Mike.

MIKE: Maraming salamat, Igan. Eto na po yung sinasabi ni Arnold na sasagutin po ng ating tatlong kandidato sa grupong ito. Ang mga tanong na galing sa kapwa nila kandidato na kanila pong kukunin dito sa ballot box. Ang mangunguna pong kukuha ng tanong ay si senatoriable at kasalukuyang Kongresistang Noynoy Aquino.

MIKE: Ang tanong po na inyong nakuha ay galing po kay Alan Cayetano

Are you in favor of the… kayo daw po ay pabor ba sa pagpapatayo ng mga karagdagang mga Casino ng PAGCOR?

NOYNOY: Hindi tayo sang-ayong sa pagdagdag nung casino. Alam mo nagkaron na ng mungkahi na may planong sinasabi sa Tarlac, sa Tarlac naman po’y katabi lang Angeles kung saan kasunod ay may dalawa nang Casino. Sa po ganon din ang sitwasyon. Ang punto ho nung casino, kung may mga turista sa isang lugar sila magpondo nung ating mga social development projects wala ho tayong tutol. Tayong mga Pilipino natuturuan nating palakihin nang palakihin yung culture of gambling. Hindi po ata tayo makakasangayon dyan. At yung mga lugar tulad namin sa tarlac, tulad po sa cainta at sa iba pang lugar, wala naman pong talagang turista; wag naman sanang pasukan ng Casino.

MIKE: Ang susunod po na kukuha po ng tanong dito sa ballot box at sasagot ay si Ginoong ah “Pek" Cantal, Mr. Cantal.

Ang sagot po, o ang tanong po na nakuha ninyo ay galing po kay Edgardo J. Angara.

Define at least tatlong characteristics a voter should look for in a candidate for senator?

CANTAL: Okay siguro ang personalidad ng isang kandidato nang sabi nga dun sa mismong kaniyang pagkatao at saka sa kaniyang pagsasalita merong ah temang makatotohanan tsaka alam nya yung kaniyang sinasabi, alam nya yung kaniyang paninindigan. Pangalawa, isa pa yung kaniyang pananaw, yung kaniyang karanasan na talagang tugma naman don sa pangangailangan. Ang pangatlo po, higit sa lahat, yun pong kaniyang plataporma de gobyerno na talagang malinaw at saka katanggap-tanggap naman sa ating bayan o sa ating mga mamamayan.

MIKE: Marami pong salamat, Mr. Cantal. At ang susunod po na kukuha ng tanong at sasagot ay si Ginoong Bobby Enciso. Ang inyo pong tanong na nakuha ay galing kay Doctor Martin Bautista.

How will you make medication, o ibig sabihin siguro nito medicine, how will you make medicine more affordable?

CANTAL: Marami pong bagay na dapat pong gawin pagdating po sa pagpapababa ng presyo.Meron po tayong mga tinatawag na Generics ano po? At ah, ito po ay dapat nating ipa…we should implement yun pong pagbili ng mga Generics pagkat ito po ay pareho din naman po ang epekto nitong mga gamot na ito kaya lamang po ito ay hindi mga branded. So sa akin po dapat po talagang mabigyan ng pagkakataon o tutukan natin ang mga Generic Medicine so that maging affordable po ito sa ating mga kababayan.

ARNOLD: Marami pong salamat sa inyong pagsagot sa isang tanong na nanngaling poo sa inyong kapwa senatoriable. Marami pong salamat, Noynoy Aquino, Peck Cantal, Bobby Enciso. Mga Kapuso, magpapatuloy po ang isang tanong, the senatorial forum dito lang po sa GMA diyan lang po kayo.

(teaser…susunod)
Malou: ...pagpatayo ng water-catchment para sa water shortage, mukhang trabaho po ito ng executive agency. Di po kaya kayo hindi pa handa o naliligaw ng pwestong tinatakbuhan? - GMANews.TV
Post a Comment
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...