Friday, April 27, 2007

It's never too late...

Tumatanda ka na, tol.


Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong
kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
child star dati.

Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
idol
noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng
"PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung
napapraning.

Parangbotika na ang cabinet mo.
May multivitamins,
vitamin E, vitamin C, royal
jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging
may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit,
at kung anu-ano pa.

Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga
kasama
mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo
noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan
na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya
ninyo.

Wala
na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may
problema
ka.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi
mo
kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.

Kung
sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera
at umakyat
sa tinatawag nilang "corporate ladder".

Anumang pagkakaibigang umusbong
galing sa
pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.

Pera
din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang
nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable,
Globe,Smart, at Sun.

Alipin ka ng Midnight Madness.

Alipin ka ng
tollgate sa expressway.

Alipin ka ng credit card mo.

Alipin ka ng
ATM.

Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong
instantpancit canton.

Ngayon, dapatmay kasamang italian chicken ang
fettucine alfredomo.

Masaya ka na noon pagnakakapag-
ober-da-bakod kayo para makapagswimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung
hindi Boracay o Puerto Galera anglugar.

Dati, sulit na sulit na sa yo ang
gin pomelo.

Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap
ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang
lifestyle mo sa
income mo.

Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas
ang sweldo mo.

Yung mga bagay na gusto mong
bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo
na.

Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin
makuntento.

Saan ka ba papunta?

Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay
sa mundong ito
para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa
Matrix.

Hanapin mo ang dahilan kung bakit
nilagay ka rito.

Kung
ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang
maging singkwenta anyos ka
na, magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula,
isipin ang mga
tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.

Ikaw ang
nagbago, hindi ang mundo.


Post a Comment
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...